Heto na... Tapos na... Ano kayang kalalabasan? Ano kayang resulta? Ito ba'y maganda? O baka naman masama?
Sana naman masiyahan ako sa resulta. Sana hindi ako maiyak. Ayaw ko nang mabigo. Ayaw ko nang umiyak. Ayaw ko nang maulit ang dati. Ayaw ko nang maulit ang sakit.
Ako ba'y madadala na naman? Mawawalan na naman ba ng pag-asa? Sana naman hindi. Sana ang lahat ng ito'y maganda ang maging bunga.